Linggo, Marso 19, 2017

Ang saloobin ng isang hindi kailan man napili

Sanay naman ako...
Sanay naman akong sumuko...
Sanay naman akong magparaya...
Sanay naman akong maging di kaayaaya...

Simula ng isilang...
Lagi nalang iniiwan...
Simula pagkabata...
Lagi na lang hindi karapat-dapat...

Kaya okay lang...
Ako'y paulit ulit na masaktan...
Kaya okay lang...
Ako'y lagi ang naiiwan...

Hinding-hindi ko kailan man...
Naranasan...
Ang maging tanging pinipili...
Hinding-hindi ko kailan man...
Maramdaman...
Na ako'y unang pinipili...

Kaya okay lang na ako'y masaktan...
Kaya okay lang na ako'y hindi piliin...
Kaya okay lang na ako'y iniiwan...
Kaya okay lang na ako'y hindi ibigin...

Ang tanging dasal...
Sa may kapal...
Ay maging masaya...
Kahit na ika'y kanya...

Sabado, Marso 18, 2017

I wish I could be that Girl

I wish I could be that girl who can easily tell the person she wants what she really feels...
But I know I am not that girl...
But I know I am not worthy...
But I know I am not that strong...

Coz I am not as pretty as the others...
Coz I am not as bubbly as the others...
Coz I am not as smart as the others...

I know I am still growing... but I just wish to have someone to stay by my side and make me feel that I am that girl... that I am worthy and that I am strong...
I wish there could be someone that could make me feel that I amnmore than pretty, I am more bubbly, and I am smarter than other girls.. because I am loved by him...

I wish I could be that girl... but till now... I am not that girl...

Linggo, Marso 5, 2017

Hindi ka ba nagtataka...

Hindi ka ba nagtataka?
Baka ang kailangan mo... eh yung taong mas mahal ka...
Baka kaya ka nasasaktan...
ay dahil ninanais mong laging ikaw ang nagbibigay...
Try mo din kaya yung di mo inaasahan...
Di mo inaasahang ibibigay lahat ng pag ibig niyang taglay...
Baka kaya ka sinaktan niya... 
Ay dahil masyado kang nagtiwala...
Di kaya'y masyado siyang pinalaya.. samantalang meron namang iba sa'yo lang nakatingala...
Nagaabang na mapansin mo siya... 
Naghihintay lang ng tamang panahon... upang malaman niya...
Kung talagangang siya'y may pagkakataon...
Ngunit alam niyang Milagro lang ang makakagawa... 
Kaya sa Diyos panay ang luhod...
Kasi alam niyang wala siyang laban...
Sa iyong nakaraang nabukod...
walang hinihilig ba kapalit kundi ang malaman...
Malaman mong mahal na mahal ka niya... 
Madama mong mahal na mahal ka niya... Ngunit di ito mamutawi sa kanya...
Dahil alam niyang wala siya...
Wala siyang puwang sa mga nais mo.. Wala siyang maipagmamalaki sayo...
Wala siyang tiyansang maging iyo...
Pero tanggap niya...
Alam niya...
Pero mahal na mahal ka pa rin niya...