Linggo, Marso 19, 2017

Ang saloobin ng isang hindi kailan man napili

Sanay naman ako...
Sanay naman akong sumuko...
Sanay naman akong magparaya...
Sanay naman akong maging di kaayaaya...

Simula ng isilang...
Lagi nalang iniiwan...
Simula pagkabata...
Lagi na lang hindi karapat-dapat...

Kaya okay lang...
Ako'y paulit ulit na masaktan...
Kaya okay lang...
Ako'y lagi ang naiiwan...

Hinding-hindi ko kailan man...
Naranasan...
Ang maging tanging pinipili...
Hinding-hindi ko kailan man...
Maramdaman...
Na ako'y unang pinipili...

Kaya okay lang na ako'y masaktan...
Kaya okay lang na ako'y hindi piliin...
Kaya okay lang na ako'y iniiwan...
Kaya okay lang na ako'y hindi ibigin...

Ang tanging dasal...
Sa may kapal...
Ay maging masaya...
Kahit na ika'y kanya...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento